Martes, Agosto 28, 2012

Girl : Dota ka ng Dota, Break na tayo. Magsama kayo ng Dota mo!

Boy : Tengeneng DOTA yan kung hindi dahil sayo hindi kami magaaway ng Girlfriend ko.

Dota : WTF?

       I'm sick and tired of hearing people blaming dota for their sour romantic relationship, for their poor academic performance and many more things they claiming that has been ruined because of DOTA!

Ano nga ba ang Dota? nakakabuti ba ito sa  o nakakasira ng relasyon at buhay ng isang tao.

Ang Dota ay isang uri ng Mapa ng isang laro na kung tawagin ay WWARCRAFT III.
Ang Mapa nito ay base samapang “Aeon of strife” ng larong starcraft. Ang layunin sa larong ito ay sirain ang mga imprastruktura sa kampo ng kalaban. Ang bawat manlalaro ay mayroong katumbas na “yunit” nakinokontrol. Katulad ng iba pang mga RPG, ang bawat manlalaro ay nag-iipon ng ginto pambili ng gamit habang pinapataas ang antas ng kanilang karakter.
Ang mapa ay ginawa gamit ang “World Editor” ng Warcraft: Reign of Chaos at nangmaglaon ay binago nang dumating ang Warcraft:Frozen Throne. Simula ng malikha ang larong DOTA, marami nang pagbabago ang naganap dito (pinakasikat ang DOTA Allstars) at nang tumagal ay tinawag nang DOTA(bersyon 6.68). Iba’t ibang tao ang nasa likod ng pag-unlad ng larong ito. Isa narito si “Icefrog” na siyang nagmamaintain ng laro simula pa nung 2005 hanggang ngayon.
Ilang beses ng nasali ang larong ito sa mga opisyal na patimpalak sa buong mundo. Kabilang na dito ang Blizzard Entertainment's BlizzCon, Asian World Cyber Games, Cyberathlete Amateurat at CyberEvolution leagues. Ayon kay Gamasutra, ang DOTA na marahil ang pinakasikat na libreng laro sa buong mundo. Sa kasalukuyan ay gumagawa ang Valve Corporation ng sequel ng DOTA (Dota 2).

Para sa Karagdagang impormasyon Bisitahin ang Link na ito : http://tl.wikipedia.org/wiki/Defense_of_the_Ancients

Dapat nga bang sisihin ang isang laro o ang tao mismo na naglalaro nito at mga taong makikitid ang utak ang dapat nating sisihin kung nakakaapekto man ito sa isang relasyon?


Kung ang isang babae ay nagagalit kasi ang boyfriend nya ay naglalaro ng dota at pakiramdam nya wala na itong oras sa kanya? pero kanina lang magkasama kayo o kaya magkatext maghapon at magdamag pwes! isa lang masasabi ko sayo. Get a life Miss! hindi yung sinasayang mo ang oras mo sa paninisi sa isang laro lang. mgkasama na kayo kanina kailangan ba maghapon at magdamag din kayong magkatext o ms gusto mong maginom na lang sya o kaya mambabae? kailangan din ng isang tao ang mapaglilibangan diba?

eh ikaw may nagawa ka na ba? Musta na ba pagaaral mo?, nagreview ka na ba? gumawa ng assignment? wala ka bang ibang gawain sa bahay nyo? nahugasan mo na ba yung mga plato?, Nagsaing ka na ba? nagluto? nagdilig ng halaman? o kaya maghanap ka ng hobby para naman nalilibang ka at hindi na lang puro boyfriend inaatupag mo o kaya mas maganda kung maglaro ka na rin ng DOTA, Diba sabi nga nila if you can't beat them, Join them".
Wag ka magalit sakin. Ang point ko lang ay hindi naman pwedeng buong oras nya ay dapat  naka focus lang sayo? Asawa mo na? Asawa mo na? kung wala syang time sayo eh di maghanap ka ng iba? hehe joke lang. make yourself productive para naman hindi nasasayang oras mo saka ka pumapangit ka na sa galit sa kahihintay sa boyfriend mo na nakikipagromansahan sa keyboard.

at please lang tigilan nyo yung pagpopost sa Facebook at twitter ng mga hate words against sa dota. bakit inaano nya ba kayo? boyfriend mo ang ang sisihin mo at wag yung isang laro lang.

At sa mga lalaki naman, set your priorities naman hindi yung inaabot ka na ng sampung oras kakadota. pustahan tayo hindi lang girlfriend ang napapabayaan mo kungdi pati pagaaral mo, hanapbuhay, pamilya pati pagkain(kung ayaw mong kainin yung pagkain mo ibigay mo na lang sakin nakatulong ka pa. hehe sensya na patay gutom eh).
Ang paglalaro ng dota o anumang bagay na kinahihiligan mo ay dapat ginagamitan ng disiplina at responsibiidad. kapag naghanap ng iba yun malamang dota rin ang sisihin mo. hay kawawa naman si dota, nananahimik lang lagi pang nasisisi.

kung tutuusin ang paglalaro ng dota ay may magandang benipisyo kung lalaruin lang ng tama.
nahahasa nito ang utak para maging alerto, makipag cooperate at mag strategy. nakakatulong din ito sa kaalaman sa math (sa pagcocompute at pag a add ng mga items para tumaas ang damage o ang defensa ng isang dota heroes).
 
Ang dota ay isang laro lang kung anoman ang epekto nito sa buhay ng tao ay depende na sa tao mismo. kaya please lang wag nyong sisihin ang dota anoman ang nangyayari sa relasyon nyo o sa buhay nyo.
kailangan lang maging responsable tayo at maging mapagunawa.


1 (mga) komento:

  1. Why I'm in the business of making a living off a casino
    and 제천 출장샵 make a living off casino entertainment. the 진주 출장샵 same 전라북도 출장마사지 benefits that make casino gaming so 사천 출장안마 rewarding 화성 출장샵 are what makes Oct 23, 2021 · Uploaded by Casino Delights

    TumugonBurahin