Martes, Oktubre 8, 2013

lahat tayo nakakaranas na pumili ng susuoting damit at kung ano yung alam mo na babagay sayong kasuotan pero, subalit, datapwa't, ngunit minsan porke't uso akala mo babagay na sayo, pipilitin mo pa rin isuot pero ang hindi mo alam ang damit may binabagayan kaya minsan nagmumukha ka ng tanga hindi mo pa alam.

parang sa pag-ibig lang yan eh minsan akala mo bagay na sayo pero pag suot mo na hindi ka pala komportable kaya papalitan mo na lang iba.

Minsan naman alam mo na nga na hindi naman bagay sayo pero pinipilit mo pa rin isuot kaya nagmumukha ka lang tanga.

Minsan naman akala mo hindi bagay sayo, natatakot kang subukan kasi iba yun sa nakasanayan mo pero pano malalaman kung babagay pala sayo kung di mo i-try diba?

kaya sa susunod pag pipili ka ng mamahalin este ng damit na susuotin mag isip isip ka muna.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento