Sabado, Pebrero 15, 2014

The Shampoo Commercial Model: 

Sila
ang mga pasaherong feel na feel ang
hangin sa jeep habang humahampas
ang kanilang buhok sa mukha ng
kanilang katabi. Ang sarap kalbuhin.

The Snorlax:

Sila ang mga pasaherong
mahilig matulog, kala mo pagod na
pagod. Ginagawa nilang kama ang
katabi nila. Kung makasandal wagas,
sige sige parin sa pagtulog. Mabilis ang
karma sa kanila dahil madalas silang
lumalampas sa bababaan nila.

The Uchiha Clan:

Sila ang mga
pasaherong may matang hindi
mapigilang makibasa sa text ng katabi
nila. Ang sarap tusukin ng mata.

The VIP: 

Sila ang mga pasaherong hindi
alam ang upong otso, kung makaupo
sakop ang pangdalawang tao. Kakapal
ng mukha, kala mo ang binayad
dalawang otso.

The Kris Aquino & Friends: Sila ang
mga pasaherong ubod ng arte. Ang
daming reklamo, kesyo mainit... kesyo
masikip... Putek, mag-taxi kayo!

The Bottomline with Boy Abunda: 

Sila
ang mga pasaherong makakwento
feeling may talk show. Sa lakas ng
bunganga rinig ng lahat ng pasareho.
Ang sarap pakainin ng siling labuyo.

The CD-R King:

Sila yung mga
pasaherong naglalabas ng mga gadgets
para lang ipagmayabang, yung kunwari
nagtetext mailabas lang yung cellphone

The Voice:

Sila yung mga pasaherong
naka-earphone na kanta ng kanta na
walang care sa ibang pasahero basta
makakanta lang sya... PANGET naman ng
boses.

The Deadma:

Sila yung mga
pasaherong ayaw mag-abot ng bayad,
kunyari may kukunin sa bag, ayaw lang
talagang iabot ang bayad mo/

The 1-2-3 TAKBO : 

Sila yung mga pasaherong
hindi nagbabayad.. nakasulat na nga na
GOD KNOWS JUDAS NOT PAY... di pa rin
naaapektuhan
Next
This is the most recent post.
Previous
Mga Lumang Post

3 (mga) komento:

  1. Thank you for joining and linking with Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    TumugonBurahin
  2. Hahahaha I have a similar list and I love how you gave labels to these kinds of passengers.

    TumugonBurahin
  3. Ang ganda sana ng blog mo kaso di mo tinuloy.... support pinoy nalang tayo =(

    TumugonBurahin