By :AkosiKantoboy
5. Sumali ng Game Show - kailangan mo munang pumila ng mahaba para sa audition o para maging studio audience. Pag napili kang contestant pede kang sumayaw o kumanta o kaya maari kang maglahad ng nakakaiyak na istorya ng iyong buhay(mas nakakaawa mas better). simple lang pero maari kang manalo ng 10,000 pesos hanggang Isang Milyong Piso, kotse, bahay at lupa at may JACKET ka pa.
www.alawsawagam.blogspot.com
4. Maging Game Show Host - Kailangan ko pa bang ipaliwanag to? alamonayan!
3. Pyramid Scam - Una I-recruit ang iyong sarili tapos magrecruit ng dalawang tao na marerecruit din ng tig dalawang tao.... Patuloy lang ang proseso hanggang dumami ang miyembro. Siyempre kailangan mong humingi ng membership fee at pede ka ding magbanta ng kung ano anong gamit at beauty products. Ipangako mo na magkakaroon ang bawat miyembro ng porsiyento sa bawat marerecruit nilang bagong miyembro. at kung makaipon ka na ng limpak limpak na salapi pumunta ka na ng ibang bansa bago ka mabuking.
By :AkosiKantoboy
2. Magtayo ng Pekeng NGO - Kumuha ng mga pangalan sa dyaryo sa directory at sementeryo at gawin silang incorporator ng isang pekeng NGO tapos humingi ng Pondo sa mga Congressman at Senador. Voila! maaari kang kumita ng Higit pa sa 10 Bilyong Piso sa loob lamang ng ilang taon.
By :AkosiKantoboy
1. Maging Pulitiko - dito kailangan muna kilala ka ng tao. Pedeng artista ka, may kamag-anak na nakaupo sa ibang posisyon sa gobyerno o meron kang malaking salapi para gugulin sa kampanya at pagbayad ng boto(huwag kang magalala mababawi mo din ang mga nagastos mo pg nakaposisyon ka na) o meron kang sikat na kamag-anak na namatay.
By :AkosiKantoboy
Paano ka kikita?
-Pede kang humingi ng porsiyento sa kontraktor ng bawat proyektong ipapagawa mo.
-meron kang pork barrel fund na pede mong ipadala sa mga pekeng NGO para sa kalahati ng halagang idodonate mo.
- Pag bumoto ka ng yes para ma-impeach ang isang Chief Justice aymakakatanggap ka ng 50-100 Million Pesos kung Senador ka at may 15 Million Pesos ka kung Congressman ka na tumulong para maipasa ang impeachment Coplain.
By :AkosiKantoboy
Miyerkules, Oktubre 9, 2013
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento